Pumunta sa nilalaman

OKTUBRE 26, 2016
UNITED STATES

97 Columbia Heights Ipinagbibili Na ng mga Saksi

97 Columbia Heights Ipinagbibili Na ng mga Saksi

Sa loob ng maraming taon, ang eleganteng Hotel Margaret ang pinakamataas na gusali sa Brooklyn.

NEW YORK—Noong Miyerkules, Oktubre 26, 2016, ipinagbigay-alam ng mga Saksi ni Jehova na ipinagbibili na nila ang kanilang property sa 97 Columbia Heights sa Brooklyn, New York. Ang 11-palapag na residence building, na may napakagandang view ng East River at mga gusali sa Manhattan, ay nasa gawing hilaga ng makasaysayang distrito ng Brooklyn Heights.

Ang 97 Columbia Heights ay kakikitaan ng mga arkitektural na disenyo ng dating hotel gaya ng paggamit ng copper patina, façade na yari sa terracotta, at mga corner bay window.

Ang gusaling ito ay nakatayo sa dating kinaroroonan ng Hotel Margaret na nasunog noong 1980. Si Architect Stanton Eckstut ang nagdisenyo ng bagong residence, na kakikitaan ng mga arkitektural na disenyo ng dating hotel gaya ng paggamit ng copper patina, façade na yari sa terracotta, at mga corner bay window. Noong 1986, habang itinatayo ang bagong gusali, ang property ay ipinagbili sa mga Saksi at mula noon, ginamit na ito bilang tirahan ng mga miyembro ng kanilang punong-tanggapan. Sinabi ni David A. Semonian, tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa kanilang pandaigdig na punong-tanggapan: “Daan-daang personnel namin ang tumira sa 97 Columbia Heights sa nagdaang 30 taon. Dahil sa ganda ng gusali at lokasyon nito, maituturing itong first-class na residential space.”

Ang 8,232-metro-kuwadradong (88,610 sq ft) gusaling ito ay may 97 residential unit, na ang ilan ay may private outdoor terrace, at isang rooftop terrace. Mayroon din itong indoor garage na may 30 parking space, na may private entrance sa Orange Street.

Ipinaliwanag ni Mr. Semonian: “Ang aming personnel at mga opisina ay kasalukuyang lumilipat sa bagong pandaigdig na punong-tanggapan namin sa Warwick, New York, na sinimulang gamitin noong Setyembre 1, 2016. Ang pagbebenta ng aming property sa 97 Columbia Heights ang pinakabagong hakbang sa aming paglipat.”

Media Contact:

David A. Semonian, Office of Public Information, 1-718-560-5000