Pumunta sa nilalaman

SETYEMBRE 8, 2021
UNITED STATES

Bagyong Ida, Sinalanta ang Timog at Hilagang Bahagi ng United States

Bagyong Ida, Sinalanta ang Timog at Hilagang Bahagi ng United States

Noong Agosto 29, 2021, tumama ang Bagyong Ida na may lakas na Category 4 malapit sa Port Fourchon, Louisiana. Nagdulot ito ng malalakas na storm surge, ulan, at hangin. Dahil dito, nagkaroon ng matinding pagbaha, maraming ari-arian ang nasira, at nawalan ng kuryente sa Gulf Coast. Noong Setyembre 1, dahil sa Bagyong Ida at sa lagay ng panahon, nagkaroon ng mga pagbaha at buhawi sa hilagang-silangan ng bansa. Sa ilang lugar, maibabalik ang kuryente makalipas pa ang ilang linggo.

Epekto sa mga Kapatid

  • Sa ngayon, wala pang naiuulat na kapatid na namatay

  • 2 brother ang nasugatan

  • 1 sister ang naospital dahil sa pinsalang natamo habang lumilikas

  • 1,429 na bahay ang bahagyang nasira

  • 183 bahay ang lubhang nasira

  • 19 na bahay ang nawasak

  • 43 Kingdom Hall ang bahagyang nasira

  • 10 Kingdom Hall ang lubhang nasira

  • 4 na Assembly Hall ang bahagyang nasira

Bahay ng isang sister sa New Orleans, Louisiana, na napinsala ng bagyo

Relief Work

  • Pinapatibay ng lokal na mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder pati na ng mga Disaster Relief Committee ang naapektuhang mga kapatid

  • Ang mga nangangailangan ng tulong ay tumatanggap ng pagkain, tubig, gamot, at iba pa

  • Sinusunod ng lahat ng tumutulong ang mga safety protocol para sa COVID-19

Handa ang mga kapatid at alam nila kung ano ang gagawin kapag may sakuna. Sinunod din nila ang gobyerno at lumikas mula sa apektadong mga lugar. Ang lahat ng ito ay nakatulong para maging ligtas sila.—Kawikaan 22:3.