Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 14, 2020
UNITED STATES

Bagyong Isaias, Sinalanta ang Silangang United States

Bagyong Isaias, Sinalanta ang Silangang United States

Lokasyon

Silangang United States

Sakuna

  • Noong Agosto 3, 2020, nag-landfall ang Category 1 na Bagyong Isaias sa North Carolina

  • Nagkaroon ng mga buhawi habang umaakyat ang bagyo sa East Coast, na nagdulot ng pinsala at brownout

Epekto sa mga kapatid

  • Isang sister ang nasugatan

  • 12 pamilya ang pansamantalang lumikas

Pinsala sa ari-arian

  • 55 bahay ng mga kapatid ang bahagyang nasira

  • Limang bahay ang nagkaroon ng malaking pinsala

  • Nasira ang ilang sasakyan

  • Limang Kingdom Hall ang bahagyang nasira

Relief work

  • Agad na kumilos ang mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder sa mga apektadong lugar para tulungan ang mga kapatid. Pero sinunod pa rin nila ang mga tagubilin bilang pag-iingat sa COVID-19

Masaya tayo na patuloy pa ring tinutulungan ni Jehova ang mga kapatid natin na sinasalanta ng mga bagyo. Nananabik na tayo sa panahong hindi na tayo “matatakot sa anumang kapahamakan” na dulot ng mga sakuna.—Kawikaan 1:33.