Pumunta sa nilalaman

SETYEMBRE 24, 2020
UNITED STATES

Binaha ang Ilang Lugar sa United States Dahil sa Bagyong Sally

Binaha ang Ilang Lugar sa United States Dahil sa Bagyong Sally

Lokasyon

Alabama, Florida, at Mississippi

Sakuna

  • Noong Setyembre 16, 2020, nag-landfall ang Category 2 na bagyo sa Alabama. Ilang oras lang, bumuhos ang malakas na ulan kaya nagkaroon ng matinding pagbaha

  • Pininsala ng malakas na hangin ang mga ari-arian at nawalan ng kuryente sa maraming lugar

Epekto sa mga kapatid

  • 240 mamamahayag ang inilikas

  • 1 kapatid ang nasugatan

Pinsala sa ari-arian

  • 143 bahay at 11 Kingdom Hall ang bahagyang napinsala

  • 12 bahay at 1 Kingdom Hall ang nagkaroon ng malaking pinsala

Relief work

  • Nakikipagtulungan ang dalawang Disaster Relief Committee sa mga tagapangasiwa ng sirkito at sa mga elder doon para magbigay ng espirituwal at praktikal na tulong sa mga kapatid na naapektuhan ng bagyo, habang sinusunod nila ang tagubilin ng gobyerno para maiwasan ang COVID-19

Sinabi ng isang sister na na-stress siya dahil sa bagyo. Pero pagkatapos niyang makatanggap ng tulong mula sa kongregasyon, sinabi niya, “Nagpapasalamat ako sa pag-ibig at suporta ng mga kapatid.”—1 Juan 3:18.