ABRIL 28, 2021
UNITED STATES
Bulkan, Naging Dahilan ng Paglikas sa Caribbean
Lokasyon
Ilang bahagi ng St. Vincent at Barbados
Sakuna
Noong Abril 9, 2021, ang bulkang La Soufrière ay nagsimulang magbuga ng abo at usok
Dahil sa makapal na abo, bumagsak ang mga gusali, nawalan ng kuryente, at naapektuhan ang suplay ng tubig na maiinom
Inaasahang magpapatuloy pa nang ilang linggo ang pagbuga ng bulkan
Epekto sa mga kapatid
185 kapatid sa St. Vincent at Barbados ang lumikas
Pinsala sa ari-arian
Ang pinakaapektadong lugar sa hilaga ng St. Vincent ay hindi pa rin mapuntahan; hindi pa matukoy kung gaano kalaki ang naging pinsala
Relief work
Ang lumikas na mga kapatid ay pinapatuloy sa bahay ng mga kapuwa nila Saksi na nasa mas ligtas na lugar sa St. Vincent at sa kalapit na mga isla, habang sinusunod ang mga safety protocol para sa COVID-19
Ang COVID-19 Disaster Relief Committee (DRC) para sa rehiyong ito ay inatasang tumulong sa relief work. Nakikipagtulungan ang DRC sa tagapangasiwa ng sirkito at mga elder doon para maglaan ng tubig na maiinom at tumulong sa paglikas
Ang lokal na mga opisyal ng St. Vincent at St. Lucia ay nagbigay na rin ng kinakailangang tulong
Isang may-edad nang brother na bulag na nakatira sa lugar na iyon at walang kasama sa bahay ang inilikas ng isang grupo ng mga kapatid bago pa sumabog ang bulkan. Habang paalis ang sasakyan nila papunta sa ligtas na lugar, nakita ng mga kapatid na nagkakagulo at nagtatakbuhan ang mga tao. Buti na lang, lahat ng kapatid ay nailikas nang ligtas.
Ipinagpapasalamat natin na dahil sa pagtulad sa ating Diyos na ‘handang tumulong kapag may mga problema,’ napatibay at natulungan ang mga kapatid natin na nangangailangan.—Awit 46:1-3.