MARSO 1, 2021
UNITED STATES
Dahil sa Malakas na Pag-ulan ng Yelo sa Timugang United States, Mahigit 7,500 ang Lumikas
Lokasyon
Timugang bahagi ng United States
Sakuna
Nagsimula noong Pebrero 13, 2021, ang malalakas na pag-ulan ng yelo sa timugang bahagi ng United States. Ang Texas ang pinakanapinsala. Sa kapal ng yelo at sa sobrang lamig ng temperatura, ilang araw na nawalan ng kuryente ang mga bahay at lugar ng negosyo. Nagyelo ang mga tubo ng tubig kaya malawak ang naging pinsala
Epekto sa mga kapatid
11 kapatid ang kinailangang magpagamot sa ospital
94 na kapatid ang nasugatan
7,650 kapatid ang inilikas
Pinsala sa ari-arian
14 na Kingdom Hall at 1 Assembly Hall ang bahagyang nasira
5 Kingdom Hall ang nagkaroon ng malaking pinsala
3,224 na bahay ang bahagyang nasira
113 bahay ang nagkaroon ng malaking pinsala
12 bahay ang nawasak
Relief work
Ang mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder ay nakipagtulungan sa COVID-19 Disaster Relief Committee sa lugar na iyon para sa relief work, gaya ng pagdadala ng maiinom na tubig at pagreremedyo sa mga nasirang bahay at Kingdom Hall. Nagsaayos din sila ng pansamantalang tuluyan ng mga lumikas. Ginawa ang lahat ng ito habang sinusunod ang mga safety protocol ng COVID-19
Nagpapasalamat tayo kay Jehova dahil hindi niya pinapabayaan ang mga naaapektuhan ng mga bagyong gaya nito.—2 Corinto 1:3.