Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 27, 2021
UNITED STATES

Gila Bend, Arizona—Pininsala ng Pagbaha

Gila Bend, Arizona—Pininsala ng Pagbaha

Noong gabi ng Agosto 13, 2021, nagkaroon ng malakas na ulan at matinding pagbaha sa mga lugar sa Arizona at kanlurang Texas. Malaki ang pinsala na idinulot ng baha, lalo na sa bayan ng Gila Bend, Arizona.

Epekto sa mga Kapatid

  • Nakakalungkot, 1 sister ang namatay dahil sa sakunang ito

  • 5 bahay ng mga kapatid ang nasira

  • 3 pamilya ang lumikas

Relief Work

  • Pinapatibay ng tagapangasiwa ng sirkito at ng mga elder doon ang mga naapektuhan. Tinutulungan din nila ang mga kapatid na lumikas na makahanap ng matutuluyan

  • Sinusunod ng lahat ng tumutulong ang mga safety protocol para sa COVID-19

Ipinapanalangin natin ang lahat ng naapektuhan ng sakunang ito. Patuloy sanang aliwin ni Jehova ang pamilya ng mahal nating sister na namatay.—2 Corinto 1:3, 4.