SETYEMBRE 5, 2019
UNITED STATES
Hinagupit ng Bagyong Dorian ang Bahamas
Ang bagyong Dorian, isa sa pinakamalakas na naiulat na bagyo sa Atlantic Ocean, ay nag-landfall bilang Category 5 sa Great Abaco Island sa hilagang Bahamas noong Linggo ng umaga, Setyembre 1, 2019. Mapaminsala ang Dorian dahil mabagal ang pagkilos nito at may dala itong malakas na hangin at ulan. Dumaan ang bagyo sa Leeward Islands, sa Puerto Rico, at sa Virgin Islands pero walang gaanong naiulat na pinsala.
Ang sangay sa United States ay patuloy pang tumatanggap ng mga report tungkol sa naging epekto ng bagyo sa mga kapatid natin at sa mga pasilidad ng sangay. Sa ngayon, walang naiulat na nasaktan sa 46 na mamamahayag ng dalawang kongregasyon sa Great Abaco Island. Pero nawasak ang kaisa-isang Kingdom Hall sa isla.
Sa Grand Bahama Island, mayroong apat na kongregasyon at 364 na mamamahayag. Ipinapakita ng naunang ulat na 196 sa ating mga kapatid ang lumikas at 22 bahay ang napinsala. Tatlong bahay naman ang nawasak.
Bago ang bagyo, nagbigay na ng tagubilin ang sangay sa mga tagapangasiwa ng sirkito at sa mga elder na nasa apektadong mga lugar. Iminungkahi ng sangay na ilikas ang lahat ng kapatid papunta sa capital city ng Nassau o sa iba pang ligtas na lugar.
Ipinapanalangin natin ang ating mga kapatid na naapektuhan ng bagyo. Alam nating nakikita ni Jehova ang lahat ng pinagdadaanan nila at patuloy niya silang bibigyan ng lakas para makayanan nila ang mahirap na panahong ito.—Awit 46:1, 2.