Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 6, 2020
UNITED STATES

Hinagupit ng Bagyong Zeta ang Timog-Silangan ng United States

Hinagupit ng Bagyong Zeta ang Timog-Silangan ng United States

Lokasyon

Timog-silangan ng United States

Sakuna

  • Noong Oktubre 28, 2020, nag-landfall ang Category 2 na bagyo sa Louisiana bago ito humina at maging tropical storm. Naapektuhan din nito ang iba pang lugar sa timog-silangan ng United States

  • Maraming ari-arian ang nasira at nawalan ng kuryente sa maraming lugar dahil sa malalakas na hangin at mga storm surge sa mga baybayin

Epekto sa mga kapatid

  • 324 na kapatid ang inilikas

  • 1 kapatid ang nasugatan

Pinsala sa ari-arian

  • 291 bahay at 14 na Kingdom Hall ang bahagyang napinsala

  • 8 bahay at 3 Kingdom Hall ang nagkaroon ng malaking pinsala

  • 1 bahay ang nasira

Relief work

  • Nag-shepherding at nagdala ng relief goods ang mga elder doon at mga tagapangasiwa ng sirkito sa mga kapatid natin na naapektuhan. Ang mga Disaster Relief Committee rin na tumutulong sa mga apektado ng COVID-19 at Bagyong Laura sa lugar na iyon ang naatasang tumulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Zeta. Siyempre, sinusunod pa rin nila ang tagubilin ng gobyerno para maiwasan ang COVID-19

Nalulungkot tayo na naapektuhan nang husto ang mga kapatid natin sa bagyong ito. Pero kitang-kita pa rin ang tapat na pag-ibig ni Jehova sa mga lingkod niya dahil sa relief work ng ating mga kapatid.—Awit 89:1.