Pumunta sa nilalaman

Matinding pinsala ang iniwan ng bagyo sa California, U.S.A.

ENERO 19, 2023
UNITED STATES

Hinagupit ng Malalakas na Pag-ulan ang Western United States

Hinagupit ng Malalakas na Pag-ulan ang Western United States

Simula noong Enero 4, 2023, nagkaroon ng matitinding pagbuhos ng snow at ulan, pati na ng malalakas na hangin sa California, U.S.A. Dahil dito, nagkaroon ng mga pagbaha at mudslide. Nawalan din ng kuryente sa maraming lugar. Libo-libo ang lumikas, at di-bababa sa 19 katao ang namatay. Napakatindi ng mga pag-ulan sa ilang lugar kaya mahigit sa kalahati ng taunang rainfall ang naranasan nila sa loob lang ng ilang araw.

Epekto sa Ating mga Kapatid

  • Walang kapatid na namatay

  • 199 na kapatid ang lumikas

  • 4 na bahay ang matinding napinsala

  • 141 bahay ang bahagyang napinsala

  • 23 Kingdom Hall ang bahagyang napinsala

  • 1 remote translation office ang bahagyang napinsala

Relief Work

  • Dinalaw ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang naapektuhang mga pamilya at nagbigay ng praktikal na tulong

  • 44 na bahay ang pinatatag

  • 15 bahay ang kinumpuni

Nagtitiwala tayo na tinutulungan ni Jehova ang mga kapatid natin sa mahirap na panahong ito.—Awit 50:15.