Pumunta sa nilalaman

HULYO 19, 2019
UNITED STATES

Houston, United States (English)—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon

Houston, United States (English)—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon
  • Petsa: Hulyo 12-14, 2019

  • Lokasyon: NRG Stadium sa Houston, Texas, United States

  • Wika ng Programa: English, Korean

  • Pinakamataas na Bilang ng Dumalo: 50,901

  • Bilang ng Nabautismuhan: 401

  • Bilang ng Delegado Mula sa Ibang Bansa: 5,000

  • Mga Sangay na Imbitado: Australasia, Belgium, Brazil, Britain, Canada, Colombia, Czech-Slovak, France, India, Italy, Japan, Korea, Pilipinas, at Scandinavia

  • Karanasan: Si Sylvester Turner, ang mayor sa lunsod ng Houston, ay humanga sa 50,000 Saksi ni Jehova at mga panauhin nila na pumunta sa Houston para sa kombensiyon. Sinabi niya: “Ang sarap buksan ng pinto para makalanghap ng sariwang hangin. Kaya binuksan namin ang pinto para sa inyo. Kung kaya ninyo [mga Saksi ni Jehova] na bumisita kahit dalawang beses sa isang taon, welcome na welcome kayo dito sa lunsod ng Houston. Balik kayo sa susunod na taon, ’tapos sa ’sunod ulit.”

 

Mga kapatid na sumasalubong sa mga delegado sa Houston

Mga delegadong nangangaral kasama ang lokal na mga kapatid

Ilan sa 401 bagong kapatid na binabautismuhan

Si Brother Anthony Morris, miyembro ng Lupong Tagapamahala, habang ibinibigay ang huling pahayag sa programa ng Sabado

Mga delegado na nagpapa-picture suot ang katutubo nilang damit

Mga delegado na masaya sa pakikipagsamahan

Mga nasa pantanging buong-panahong paglilingkod na pinapalakpakan ng mga dumalo noong huling bahagi ng programa sa Linggo

Lokal na mga kapatid na nasa stage bago matapos ang evening gathering, kung saan nagkaroon ng kantahan, sayawan, at maikling kuwento tungkol sa kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova sa Houston