AGOSTO 29, 2019
UNITED STATES
Houston, United States (Spanish)—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon
Petsa: Agosto 23-25, 2019
Lokasyon: NRG Stadium sa Houston, Texas, United States
Wika ng Programa: Spanish
Pinakamataas na Bilang ng Dumalo: 56,167
Bilang ng Nabautismuhan: 626
Bilang ng Delegado Mula sa Ibang Bansa: 5,500
Mga Sangay na Imbitado: Argentina, Bolivia, Central America, Chile, Colombia, Dominican Republic, Ecuador, France, Italy, Japan, Peru, Pilipinas, Spain, Trinidad and Tobago, Venezuela
Karanasan: Sinabi ni Joelle Hardin, group sales and reservations manager ng Space Center Houston: “Kaninang umaga, isa sa mga staff ko [na nag-i-scan ng mga ticket habang pumapasok ang mga delegado] ang lumapit sa akin at nagsabi, ‘Ma’am Joelle, . . . lahat ng pumapasok ay tumitingin sa akin at nagsasabi ng “Thank you,” minsan sa ibang wika pa nga.’ Talagang napasaya siya nito. Ngayon ko lang siya nakitang gano’n kasaya.”
Mga delegadong dumarating sa stadium
Mga delegadong nangangaral kasama ang mga kapatid na tagaroon
Libo-libong boluntaryo ang naglinis sa NRG Stadium bago ang kombensiyon
Dalawa sa 626 na bagong bautisadong kapatid
Si Brother Mark Sanderson, miyembro ng Lupong Tagapamahala, sa huling pahayag noong Biyernes ng hapon
Mga delegadong kumukuha ng nota
Isang sister na nagtu-tour sa isang grupo ng mga delegado sa Houston Museum of Natural Science, isa sa mga lugar na pinasyalan ng mga delegado
Mga kapatid na sumasayaw sa evening gathering
Mga nasa pantanging buong-panahong paglilingkod na kumakaway sa camera sa pagtatapos ng programa noong Linggo