Pumunta sa nilalaman

Lumubog sa baha ang mga sasakyan sa bahay ng isang pamilyang Saksi sa Harlingen, Texas

HULYO 10, 2019
UNITED STATES

Malakas na Hangin at Pagbaha sa Timog ng Texas

Malakas na Hangin at Pagbaha sa Timog ng Texas

Noong Hunyo 24, 2019, binayo ng malakas na hangin at ulan ang timog ng Texas. Ayon sa balita, daan-daang bahay ang binaha at mahigit 100 katao ang inilikas.

Walang mamamahayag ang nasaktan, pero 47 ang lumikas. Gayundin, 65 bahay ng mga kapatid ang nasira ng bagyo, pati na ang isang apartment na karugtong ng isang Kingdom Hall.

Dinadalaw ngayon at pinapatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder ang mga naapektuhan ng bagyo. Bukod diyan, isang Disaster Relief Committee ang nag-aasikaso ng matitirhan ng mga biktima at naglalaan sa kanila ng pagkain, tubig, at damit. Nagsimula na rin ang mga kapatid sa paglilinis at pagkukumpuni ng mga nasirang bahay, kasama na ang apartment na karugtong ng Kingdom Hall.

Patuloy nating tutulungan ang mga kapatid natin sa timog ng Texas, habang nagtitiwala sila kay Jehova at muling bumabangon pagkatapos ng sakunang ito.—Isaias 26:3, 4.