Pumunta sa nilalaman

SETYEMBRE 1, 2020
UNITED STATES

Matinding Wildfire sa Kanluran ng United States

Matinding Wildfire sa Kanluran ng United States

Lokasyon

Northern California at Oregon

Sakuna

  • Dahil sa 14,000 kidlat at iba pang dahilan, nagkaroon ng mahigit 700 magkakahiwalay na wildfire. Nasunog ang mahigit isang milyong ektaryang lupain sa hilagang bahagi ng California at sa ibang bahagi ng Oregon

  • Hindi na ligtas ang hangin doon dahil sa usok at abo. Noong Agosto 21, inireport na ang hilagang California ang may pinakamaruming hangin sa buong mundo

  • Dalawa sa mga lugar na nasunog ang inireport bilang ikalawa at ikatlong pinakamalaking wildfire sa kasaysayan ng California

Epekto sa mga kapatid

  • 936 na mamamahayag ang pansamantalang inilikas

Pinsala sa ari-arian

  • 2 bahay ng mga kapatid ang nasira

Relief work

  • Nagtulungan ang isang Disaster Relief Committee, mga tagapangasiwa ng sirkito, at mga elder sa mga kongregasyon doon para tulungan ang mga apektadong kapatid

Talagang nagpapasalamat ang mga kapatid sa tulong na natanggap nila. Sinabi ng isang brother, “Anuman ang mangyari, agad na tumutulong ang organisasyon kasi isa tayong pamilya.” Pinapatunayan ng patuloy na pagbibigay ng relief na walang “makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.”—Roma 8:39.