Pumunta sa nilalaman

Nagpapahayag si Brother Joseph F. Rutherford sa makasaysayang kombensiyon sa Cedar Point, Ohio, U.S.A. noong Setyembre 10, 1922. Sa kanan: May isang movie camera na nagrerekord ng ilang bahagi ng programa

ABRIL 11, 2022
UNITED STATES

Mula sa Aming Museum

May Kopya Ka Ba ng Rekording ng Kombensiyon sa Cedar Point?

May Kopya Ka Ba ng Rekording ng Kombensiyon sa Cedar Point?

Patalastas sa diyaryo tungkol sa rekording ng kombensiyon sa Cedar Point

Para sa mga Saksi ni Jehova, napakahalaga ng kombensiyon sa Cedar Point, Ohio, U.S.A. noong 1922 dahil sa panawagan ni Brother Joseph F. Rutherford na ianunsiyo ang Kaharian.

Pero mayroon pang isang dahilan: Nairekord ito ng isang movie camera. Sa ngayon, wala pa ring nahahanap na kopya ng rekording na ito.

Sa isang larawan na kuha mula sa internasyonal na kombensiyon noong Setyembre 1922, makikita ang isang movie camera na nagrerekord ng ilang bahagi ng makasaysayang programang ito. Bagong teknolohiya pa lang noon ang mga motion picture.

Lumilitaw na inialok sa mga tao ang nairekord na kopya ng kombensiyon. Halimbawa, ipinatalastas ito sa isang diyaryo. Sabi sa patalastas: “Panoorin ang kombensiyon sa inyong bahay. Panoorin ang mga kapatid. Panoorin ang pahayag sa bautismo.” Nagbigay rin ito ng tip sa ministeryo: “Imbitahan ang inyong mga kapitbahay at mangaral sa kanila gamit ang rekording ng kombensiyon. Maaari na kayong umorder.”

Kung may alam kayong may kopya ng rekording na ito, pakisuyong kontakin ang Museum Department sa MuseumDonations@jw.org o sumulat sa World Headquarters ng mga Saksi ni Jehova sa 1 Kings Drive, Tuxedo Park, NY 10987. Sana makahanap tayo ng kopya ng espesyal na rekording na ito tungkol sa ating teokratikong kasaysayan.