NOBYEMBRE 20, 2019
UNITED STATES
Nagkaroon ng mga Wildfire sa California
Nitong nakaraang mga buwan, nagkaroon ng mga wildfire sa California at sinunog nito ang malaking bahagi ng lupain—mga 362 kilometro kuwadrado.
Iniulat ng sangay sa United States na mahigit 1,700 kapatid ang kinailangang lumikas dahil sa mga wildfire. Wala namang nasaktan o namatay. Pero winasak ng Sandalwood Fire sa Calimesa, na nagsimula noong Oktubre 10, 2019, ang bahay ng isa sa mga kapatid natin. May ilang bahay rin na nagkaroon ng kaunting sira dahil sa usok. Halos lahat ng lumikas ay nakabalik na sa bahay nila.
“Napakahalaga ng pagsunod sa ganitong sitwasyon,” ang sabi ng isang elder na nakatira sa isa sa mga apektadong lugar. “Agad na lumikas ang mga kapatid natin, kaya nakapagpokus ang mga bombero sa pagpatay sa sunog imbes na sa paghahanap ng tao.”
Patuloy na inoorganisa ng mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder ang pamamahagi ng relief para sa mga lumikas. Kahanga-hanga ang pagiging mapagmalasakit at mapagpatuloy ng mga kapatid sa kalapit na mga lugar. Sinabi ng isang tagapangasiwa ng sirkito, “Hindi kami nahirapang humanap ng matutuluyan para sa lahat ng lumikas.”
Nagpapasalamat tayo kay Jehova dahil may mga ‘nagpapalakas’ sa mga kapatid natin na naapektuhan ng wildfire.—Colosas 4:11.