Pumunta sa nilalaman

MARSO 14, 2019
UNITED STATES

Nakamamatay na mga Buhawi sa Timog-silangan ng United States

Nakamamatay na mga Buhawi sa Timog-silangan ng United States

Sinalanta ng nakamamatay na mga buhawi ang ilang bahagi ng Alabama, Florida, at Georgia, noong Linggo, Marso 3, 2019. Dahil diyan, 23 ang namatay at marami ang nasugatan.

Iniulat ng sangay sa United States na walang kapatid na namatay. Pero isang sister ang nasugatan nang wasakin ng buhawi ang bahay niya sa Fort Valley, Georgia. Siya ay ginagamot ngayon sa malapit na ospital. Bukod diyan, iniulat ng sangay na anim sa bahay ng ating mga kapatid ang nasira at apat naman ang nawasak. Sa ilalim ng pangangasiwa ng mga tagapangasiwa ng sirkito, nagbigay ang mga kapatid ng pagkain, matutuluyan, at damit sa mga apektadong kapatid, at nagbibigay naman ng espirituwal na pampatibay ang mga elder na tagaroon.

Ipinapanalangin natin na ang mga kapatid nating naging biktima ng sakunang ito ay mapatibay ng taunang teksto para sa 2019, “Huwag kang mag-alala, dahil ako ang Diyos mo.”—Isaias 41:10.