HULYO 15, 2019
UNITED STATES
Niyanig ng Lindol ang Southern California
Mula noong Hulyo 4, 2019, niyayanig ng malalakas na lindol at mga aftershock ang Southern California sa rehiyon ng Mojave Desert. Kasama rito ang lindol na may magnitude na 7.1—sinasabing isa sa pinakamalalakas na lindol na naitala sa lugar na iyon sa nakalipas na dalawang dekada.
Ang mga paglindol ay nangyari malapit sa lunsod ng Ridgecrest, kung saan may 215 kapatid. Nagpapasalamat tayo na walang kapatid ang malubhang nasugatan. Pero tatlo sa mga kapatid ang nagtamo ng kaunting pinsala, at may mga report na pito ang kailangang lumikas. Bukod diyan, 7 bahay ng mga kapatid ang nasira at 35 ang bahagyang napinsala. Dalawang Kingdom Hall naman ang bahagya ring napinsala.
Dalawang tagapangasiwa ng sirkito ang nangunguna sa pagbibigay ng tulong doon. Pinapatibay rin nila at ng lokal na mga elder ang mga kapatid na apektado ng lindol.
Ipinapanalangin nating patuloy na bigyan ni Jehova ang ating mga kapatid ng karunungan para makayanan ang ganitong likas na mga sakuna.—Kawikaan 2:6-8.