Pumunta sa nilalaman

Mga sasakyang inabandona sa Interstate 45, isang malaking highway sa Houston, Texas

OKTUBRE 2, 2019
UNITED STATES

Pagbaha sa Southeast Texas Dahil sa Bagyo

Pagbaha sa Southeast Texas Dahil sa Bagyo

Noong linggo ng Setyembre 16, 2019, sinalanta ng Bagyong Imelda ang ilang lugar sa southeast Texas. Sa loob lang ng ilang araw, mahigit 102 sentimetro ng ulan ang ibinuhos nito. Naniniwala ang mga eksperto na isa ito sa mga bagyong nagdala ng pinakamaraming ulan sa United States. Pagkatapos ng bagyo, daan-daang sasakyan ang inabandona sa mga highway at iba pang kalsada. Maraming residente ang inilikas.

Ayon sa mga unang report mula sa sangay ng United States, walang nasaktan o namatay sa 29,649 na kapatid na nakatira sa mga apektadong lugar. Pero 114 na kapatid ang kinailangang lumikas. Bukod diyan, 145 bahay ng mga kapatid ang nasira. May nasira ding 10 Kingdom Hall.

Nag-atas ang sangay ng isang Disaster Relief Committee. Nakikipagtulungan ito sa mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder para malaman kung gaano kalaki ang pinsala at para magsaayos ng tulong. Alam nating susuportahan ni Jehova ang mga kapatid natin dahil ang kaniyang “tapat na pag-ibig ay umaabot sa langit.”​—Awit 36:5.