Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 19, 2019
UNITED STATES

Pamamaril sa Isang Paaralan sa California, United States

Pamamaril sa Isang Paaralan sa California, United States

Noong Nobyembre 14, 2019, pinagbabaril ng isang estudyante ang mga kaklase niya sa isang high school sa Santa Clarita, California. Dalawa ang napatay niya at tatlo ang nasugatan bago barilin ang sarili niya.

Nakakalungkot, ang isa sa napatay ay si Dominic Blackwell, anak ng isa nating sister. Siya ay 14 anyos at regular na dumadalo ng pulong kasama ng nanay niyang si Sister Nancy Blackwell. Naiwan ni Dominic ang mga magulang niya at tatlong nakakabatang kapatid. Ang mga elder ay nagbibigay ng pampatibay sa pamilya at kongregasyon gamit ang Bibliya.

Nalulungkot tayo kapag nakakarinig ng ganitong trahedya. Hinihintay natin ang panahon kung kailan “papahirin [ng Diyos] ang bawat luha . . . , at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot.”—Apocalipsis 21:4.