Pumunta sa nilalaman

Munisipyo sa Virginia Beach kung saan nangyari ang pamamaril

HUNYO 4, 2019
UNITED STATES

Pamamaril sa Virginia Beach, United States

Pamamaril sa Virginia Beach, United States

Noong Mayo 31, 2019, pinagbabaril ng isang lalaki ang mga empleado ng munisipyo sa Virginia Beach, Virginia, United States. Labindalawang tao ang napatay at apat naman ang nasugatan.

Nakalulungkot, iniulat ng sangay ng United States na kabilang sa mga napatay ang isang kapatid natin, si Sister LaQuita Brown. Si Sister Brown ay 39 na taóng gulang at isang regular pioneer sa Seaview French Congregation sa Norfolk, Virginia. Nagboboluntaryo rin siya sa Local/Design Construction. Ang mga elder doon, kasama na ang tagapangasiwa ng sirkito, ay nagbibigay ng pampatibay-loob mula sa Bibliya sa mga kaibigan at kapamilya ni Sister Brown.

Nalulungkot tayo sa pagkawala ng ating kapatid. Inaasam natin ang panahon na mawawala na ang ganitong mga trahedya at magkakaroon ng “lubos na kapayapaan” sa lupa.—Awit 37:10, 11.