Pumunta sa nilalaman

Nagpapatuloy ang pagtatayo sa bagong Patterson Bethel visitor center

PEBRERO 10, 2022
UNITED STATES

Patuloy ang Renovation at Pagtatayo sa Patterson Bethel, New York

Patuloy ang Renovation at Pagtatayo sa Patterson Bethel, New York

Inaasahang matatapos ang pagtatayo ng bagong two-story na gusali para sa mga bibisita sa Watchtower Educational Center of Jehovah’s Witnesses sa Patterson, New York, U.S.A., sa kalagitnaan ng 2023. May lawak itong 30,000 square feet at magkakaroon dito ng isang museum na may tatlong permanenteng gallery at isang umiikot na gallery. Maaari itong tumanggap ng 1,200 na bisita araw-araw. At maraming gusali sa Patterson Bethel ang nire-renovate at pinapalitan ang luma nang mga installation ng kuryente, heater at iba pa. Halos 40 porsiyento na ng renovation at pagtatayo ang tapos na.

Nagkaroon ng mga problema ang mga kapatid na nag-oorganisa ng proyekto dahil sa COVID-19 pandemic. Halos mahinto ang pagtatayo dahil mahirap makakuha ng mga materyales na gagamitin sa pagtatayo. Halimbawa, mahirap makakuha ng semento noong magbubuhos na ng malaking bahagi ng flooring, pero nakakuha pa rin ang mga kapatid ng kinakailangang semento para matapos iyon batay sa iskedyul. At kahit biglang tumaas ang presyo ng bakal, nakabili pa rin ang mga kapatid sa presyong abot-kaya dahil may nagawa na silang kontrata.

Noong nag-lockdown ang Bethel, nakapagtrabaho pa rin ang mga volunteer sa kani-kanilang apartment nang hindi naaantala ang pagpaplano at paggawa ng design. May mga panahong hindi posibleng magmiting ang lokal na mga opisyal doon dahil sa mga protocol at limitasyon dahil sa pandemic kaya makakaapekto iyon sa pagsulong ng proseso ng pagtatayo. Pero sa tulong ng mga remote volunteer at videoconferencing, nagawa pa rin ng komite sa pagtatayo na makipag-ugnayan sa mga department sa Bethel at sa lokal na mga opisyal, kaya nakakuha ng kinakailangang permit ayon sa iskedyul.

Dahil pabago-bago ang mga guideline sa quarantine, may mga pagkakataon na hindi posibleng mag-anyaya ng mga bagong volunteer sa site, kaya nakadagdag pa iyon sa problema. Pero noong bandang Setyembre ng 2020, posible na muling mag-anyaya ng bagong buong-panahong mga volunteer na magtatrabaho at doon titira sa site.

Si Sister Jennifer Paul ay naanyayahang magtrabaho sa proyekto sa panahon ng pandemic. Ganito ang sabi niya tungkol sa gawain ng pagtatayo: “Gustong-gusto kong magtrabaho sa konstruksiyon. Pero hindi lang ang trabaho ang nagugustuhan ko, kundi ang mga kasama ko sa trabaho. Nakikita ko ang pagkilos ng organisasyon at ang patnubay ni Jehova.”

Sa kasalukuyan, may kabuoang 440 boluntaryo, at halos 350 tauhan sa site, na nagtatrabaho sa Patterson visitor center at sa mga proyekto ng renovation. Patuloy na nakikita ng ating mga kapatid na inilalaan ni Jehova ang lahat ng kailangan para sa tagumpay ng proyektong ito.​—1 Cronica 29:16.

 

Dalawang brother ang naghuhukay ng drainage para sa visitor center

Isang sister na gumagawa sa heating at cooling unit para sa renovation ng gusali

Nakahanda ang isang brother para maiangat ang isang haliging bakal gamit ang crane

Aerial view ng bagong visitor center at nasa background ang educational center

Sa ikalawang palapag ng visitor center, gina-grind ng isang construction volunteer ang isang haliging bakal

Iniaangat ng crane papunta sa bubong ng office building ang bagong kagamitan para sa HVAC

Masasayang construction volunteer

Mga construction volunteer na nagtatrabaho hanggang gabi sa ikalawang palapag ng visitor center