AGOSTO 15, 2019
UNITED STATES
Phoenix, United States—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon
Petsa: Agosto 9-11, 2019
Lokasyon: Chase Field sa Phoenix, Arizona, United States
Wika ng Programa: English
Pinakamataas na Bilang ng Dumalo: 40,237
Bilang ng Nabautismuhan: 352
Bilang ng Delegado Mula sa Ibang Bansa: 5,000
Mga Sangay na Imbitado: Australasia, Britain, Canada, Central Europe, Chile, France, Greece, India, Italy, Korea, Micronesia, Scandinavia, Sri Lanka, Tahiti, Thailand, Trinidad and Tobago, Turkey
Karanasan: Sinabi ni Steve Moore, ang presidente at CEO ng Visit Phoenix na tumulong para makapagpareserba ng mga kombensiyon, hotel, at resort: “[Ang kombensiyong ito] ang pinakaorganisadong kombensiyon na natulungan ko sa buong panahon ko sa industriyang ito. Bukod diyan, nangako rin kayong lilinisin ninyo ang istadyum bago kayo umalis; kayo lang ang gumawa niyan.”
Sinalubong ng mga kapatid ang mga delegado mula sa ibang bansa sa Sky Harbor International Airport sa Phoenix
Mga kapatid sa Phoenix na sumasalubong sa mga delegado sa isang hotel
Daan-daang kapatid ang nakaabang at masayang bumabati sa mga delegado pagdating ng mga ito sa Chase Field noong Biyernes ng umaga
Mga delegado habang nakikinig sa programa; suot ng ilan ang kanilang tradisyonal na damit
Dalawa sa 352 nabautismuhan
Si Brother Samuel Herd, miyembro ng Lupong Tagapamahala, sa huling pahayag sa ikalawang araw ng kombensiyon
Mga delegadong nagse-selfie sa isang parke
Mga kapatid na nakasakay sa kalesa na ginagamit noong ika-19 na siglo sa American West
Ang mga delegado na nasa buong-panahong paglilingkod ay nagpunta sa gitna ng stadium pagkatapos ng programa noong Linggo