Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 20, 2020
UNITED STATES

Sinalanta ng Bagyo ang Gitnang-Kanluran ng United States

Sinalanta ng Bagyo ang Gitnang-Kanluran ng United States

Lokasyon

Gitnang-kanluran ng United States

Sakuna

  • Noong Agosto 10, 2020, isang bagyo na may matitinding kidlat, kulog, at malakas na hangin ang dumaan sa isang deretsong direksiyon—ang ganitong bagyo ay tinatawag na derecho

  • Sinira ng hangin ang mga pananim at mga ari-arian at nagkaroon ng malawakang brownout

Epekto sa mga kapatid

  • Dalawang kapatid ang nasugatan

  • 18 kapatid ang lumikas

Pinsala sa ari-arian

  • 216 na bahay ang bahagyang nasira

  • 5 bahay ang nasira

  • 24 na Kingdom Hall ang bahagyang nasira

Relief work

  • Ang mga Disaster Relief Committee sa lugar na iyon ay nakikipag-ugnayan sa mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder para tulungan ang mga kapatid sa mga naapektuhang lugar

Alam natin na patuloy na tutulungan ni Jehova ang ating mga kapatid sa mga nasalantang lugar. At nananabik din tayo sa panahon kapag wala nang mawawalan ng bahay dahil sa likas na sakuna.—Isaias 65:21.