ENERO 21, 2020
UNITED STATES
Sinalanta ng Bagyo at Buhawi ang Timog at Gitnang Bahagi ng United States
Noong Enero 11 at 12, 2020, sinalanta ng bagyo ang timog at gitnang bahagi ng United States. Dahil sa dalawang-araw na pag-ulan, malakas na hangin, at mga buhawi, napinsala ang maraming lugar sa United States. Nakakalungkot, si Brother Albert Barnett at ang kaniyang asawa, si Sister Susan Barnett, 85 at 75 taóng gulang, ay namatay nang tamaan ng buhawi ang bahay nila.
Iniulat ng sangay sa United States na di-bababa sa apat na bahay ng mga kapatid natin ang nagkaroon ng kaunting pinsala, kasama na ang dalawang Kingdom Hall. Sinira din ng bagyo ang pag-aari ng isang kapatid na ginagamit sa negosyo.
Ang mga elder na tagaroon at ang tagapangasiwa ng sirkito ay nagbibigay ng praktikal at espirituwal na tulong sa mga naapektuhan ng bagyo. Alam nating patuloy na papatibayin ng ating Ama sa langit, si Jehova, ang mga kapatid natin na nagdurusa dahil sa sakunang ito.—Awit 34:18.