Pumunta sa nilalaman

HULYO 22, 2019
UNITED STATES

Sinalanta ng Bagyong Barry ang Southern United States

Sinalanta ng Bagyong Barry ang Southern United States

Noong Sabado, Hulyo 13, 2019, isang Category 1 na hurricane ang nag-landfall sa Louisiana bago ito humina at makilala bilang Bagyong Barry. Maraming bahay ang nasira dahil sa paghampas ng hangin, bumaha sa maraming lugar, at nawalan ng kuryente sa mga estado ng Alabama, Louisiana, at Mississippi.

Walang kapatid ang nasugatan o namatay, pero 123 ang kailangang lumikas. Bukod diyan, sinira ng bagyo ang 27 bahay ng mga kapatid, pati na ang 5 Kingdom Hall.

Pinatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga kapatid na apektado ng bagyo. Ang mga kapatid mula sa malalapit na kongregasyon ay nagbigay ng tubig, pagkain, at matutuluyan. Isinasaayos na rin ang pagkukumpuni sa mga nasirang bahay at Kingdom Hall.

Patuloy ang ating pananalangin at suporta para sa mga kapatid sa Southern United States habang hinaharap nila ang pinsalang idinulot ng Bagyong Barry.—Kawikaan 18:10.