AGOSTO 6, 2020
UNITED STATES
Sinalanta ng Bagyong Hanna ang Timog-Silangan ng Texas
Lokasyon
Texas, United States
Sakuna
Noong Hulyo 25, 2020, nag-landfall ang Bagyong Hanna, isang Category 1 na bagyo. Nagdulot ito ng baha at mga storm surge
Ang Hanna ang unang bagyo sa Atlantic sa hurricane season ng taóng ito
Epekto sa mga kapatid
Dalawang kapatid ang nasugatan
193 mamamahayag ang lumikas
Pinsala sa ari-arian
347 bahay ng mga kapatid ang bahagyang nasira
31 ang nagkaroon ng malaking pinsala
Relief work
Ang mga tagapangasiwa ng sirkito sa naapektuhang lugar ay nakikipagtulungan sa mga elder para mapatibay at matulungan ang mga kapatid
Nagpapasalamat tayo kay Jehova, “ang Diyos na nagbibigay ng kaaliwan sa anumang sitwasyon,” dahil patuloy niyang inaalalayan ang mga kapatid natin sa Texas sa mahirap na panahong ito.—2 Corinto 1:3, 4.