OKTUBRE 17, 2024
UNITED STATES
Sinalanta ng Bagyong Milton ang Florida, U.S.A.
Noong Oktubre 9, 2024, sinalanta ng malakas na Bagyong Milton ang Gulf Coast ng Florida, U.S.A., at nagdulot ito ng malaking pinsala doon. Tumama ang malakas na bagyong ito makalipas ang wala pang dalawang linggo pagkatapos tumama ng Bagyong Helene sa rehiyon ding iyon, na dumagdag pa sa baha at pinsala. May bugso ito ng hangin na hanggang 289 na kilometro kada oras. Bumuhos ang malakas na ulan sa ilang lugar sa baybayin at umabot ang taas ng baha ng mga 45 sentimetro. Nagkaroon din ng malalaking alon na umabot nang hanggang 3 metro ang taas na nakadagdag pa sa pagbaha.
Malawakang pinsala rin ang naidulot ng Bagyong Milton dahil nagkaroon ng di-kukulangin sa 38 buhawi sa timog at central Florida dahil dito. Halos 80,000 ang nawalan ng kuryente, at mga 24 ang namatay.
Epekto sa mga Kapatid
Walang kapatid na namatay
2 kapatid ang malubhang nasugatan
4 na kapatid ang bahagyang nasugatan
9,949 na kapatid ang lumikas
16 na bahay ang nawasak
235 bahay ang nasira nang husto
1,398 bahay ang bahagyang nasira
1 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
30 Kingdom Hall ang nawalan ng kuryente at hindi puwedeng magamit
Relief Work
Dalawang araw bago mag-landfall ang Bagyong Milton, nagpadala ang sangay sa United States ng sulat sa mahigit 800 kongregasyon na dadaanan ng bagyo na naglalaman ng makakatulong na impormasyon para sa mga magdedesisyong lumikas
Pinapatibay at binibigyan ng praktikal na tulong ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga kapatid na naapektuhan ng Bagyong Helene at Milton
3 Disaster Relief Committee ang inatasan para organisahin ang pagtulong sa mga biktima ng dalawang bagyo
Maibiging pinatuloy ng daan-daang Saksi sa Georgia at South Carolina, U.S.A., ang mga kapatid na lumikas
Bilang isang pambuong-daigdig na kapatiran, dalangin natin na patuloy na paglaanan ni Jehova ng “kanlungan at proteksiyon” ang lahat ng naapektuhan ng malalakas na bagyong ito.—Isaias 4:6.