ABRIL 23, 2020
UNITED STATES
Sinalanta ng Mahigit 100 Buhawi ang Timog-Silangan ng United States
Noong Abril 12 at 13, 2020, mahigit 100 buhawi ang humagupit sa timog-silangan ng United States. Inireport ng National Weather Service na ang isa sa mga buhawi, na mga dalawang milya ang lapad, ang isa sa pinakamalaking buhawi na naitala.
Kinontak agad ng sangay ang mga tagapangasiwa ng sirkito sa lugar na iyon para alamin ang kalagayan ng mga kapatid. Walang kapatid na namatay. Isang sister ang nasaktan nang tamaan ng buhawi ang bahay niya. Sa kabuoan, 63 mamamahayag ang inilikas, 12 bahay ang nawasak, at 58 bahay naman ang nasira. May kaunting sira ang limang Kingdom Hall at isang Kingdom Hall naman ang matinding napinsala nang mabagsakan ito ng puno.
Patuloy na binabantayan ng mga elder at mga tagapangasiwa ng sirkito ang sitwasyon. Tinutulungan nila at pinapatibay ang mga kapatid na naapektuhan ng sakunang ito.—Isaias 40:1.