AGOSTO 11, 2023 | UPDATED: SETYEMBRE 29, 2023
UNITED STATES
UPDATE—Sinira ng mga Wildfire ang Ilang Bahagi ng Hawaii, U.S.A.
Noong Agosto 8, 2023, mabilis na kumalat ang mga wildfire sa Maui, ang ikalawa sa pinakamalaking isla ng Hawaii, dahil sa malalakas na hangin mula sa karagatan. Tinupok ng apoy ang mga bahay, lugar ng negosyo, at mga communications system. Pinalikas ng mga awtoridad ang mga tao sa ilang lugar. Di-bababa sa 97 ang namatay. Pinapatay rin ng mga bombero ang maliliit na wildfire sa Big Island ng Hawaii.
Ito ang impormasyon mula sa unang mga report ng mga kapatid doon.
Epekto sa mga Kapatid
Nakakalungkot, 1 may-edad na brother ang namatay dahil sa mga wildfire
307 kapatid ang inilikas
42 bahay ang nasunog
2 bahay ang matinding napinsala
38 bahay ang bahagyang napinsala
1 Kingdom Hall ang bahagyang napinsala
Relief Work
Pinapatibay at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga naapektuhan
Isang Disaster Relief Committee ang inatasang manguna sa relief work
Pinananabikan natin ang araw kung kailan aalisin na ng Kaharian ng Diyos ang masamang lagay ng panahon na nagdudulot ng malaking problema sa maraming tao sa mga huling araw, pati na sa ating mga kapatid.—Marcos 4:39.