Pumunta sa nilalaman

ENERO 13, 2020
UNITED STATES

Update sa Relief Work Para sa mga Nasalanta ng Bagyong Dorian

Nagpadala ng Tulong Gamit ang Bangka at Eroplano

Update sa Relief Work Para sa mga Nasalanta ng Bagyong Dorian

Sinalanta ng Bagyong Dorian ang Bahamas mula Setyembre 1 hanggang Setyembre 3, 2019. Bago pa man tumama ang bagyo, nakipagtulungan na ang sangay sa United States para magbigay ng tulong mula sa Florida, U.S.A. Nang puwede nang bumiyahe, tumulong agad ang mga kapatid na may bangka o eroplano. Sila ang unang nagboluntaryo na tumulong sa mga tagaisla.

Labintatlong kapatid ang nagpalipad ng eroplano nang mahigit 300 ulit para makapagpadala ng 15 tonelada ng relief at maihatid ang mahigit 700 boluntaryo. At 13 bangka ng mga kapatid ang ginamit para makapagpadala ng halos 90 tonelada ng relief. Inaabot nang 12 oras ang biyahe ng bangka papunta sa Bahamas at pabalik sa Florida.

“Nang matapos ang bagyo, lumipad na agad ang eroplano ng [mga Saksi], dala ang relief para tumulong,” ang sabi ni Jose Cabrera, station manager ng Palm Beach International Airport sa Florida. “Halimbawa sila ng mga taong handang gawin ang lahat para tumulong.”

“Para sa karamihan sa amin, ito ang unang beses na nagamit namin ang aming kakayahan para sa mga kapatid,” ang sabi ni Brother Glenn Sanders, isa sa mga boluntaryong piloto. “Nakakatuwang isipin na tayo ay isang maliit na bahagi ng katawan, na nagbibigay ng relief sa isa pang bahagi ng katawan na nagdurusa.”—1 Corinto 12:26.

Ayon sa sangay sa United States, tinatayang $1,750,000 (U.S.) ang kabuoang halagang magagastos para sa relief work at matatapos ito sa Mayo 1, 2020.

 

Isinasakay ang mga relief sa isang bangka sa daungan sa Florida, U.S.A. Nagbiyahe nang 29 na beses ang mga kapatid natin papuntang Bahamas

Isang binahang airport sa Great Abaco, Bahamas

Kuha mula sa cockpit ng eroplano habang lumilipad