Pumunta sa nilalaman

DISYEMBRE 6, 2018
UNITED STATES

Malakas na Lindol sa Alaska

Malakas na Lindol sa Alaska

Noong Nobyembre 30, 2018, niyanig ng lindol na may magnitude na 7.0 ang lugar malapit sa Anchorage, Alaska. Ayon sa media, wala namang naiulat na namatay, pero malaki ang naging sira ng mga kalsada.

Iniulat ng sangay sa United States na pitong mamamahayag ang nasaktan dahil sa lindol. Labing-anim na bahay ng mga kapatid at dalawang Kingdom Hall ang nasira. Sa pangunguna ng mga tagapangasiwa ng sirkito, ang mga kongregasyon ay naglalaan ngayon ng matitirhan, pagkain, damit, at tubig sa mga nangangailangan. Ang mga elder doon ay nagbibigay rin ng pampatibay sa mga biktima.

Patuloy nating ipinapanalangin ang mga kapatid nating naapektuhan ng lindol. Umaasa tayong si Jehova ang ating magiging lakas at kanlungan kung patuloy tayong magtitiwala sa kaniya.—Awit 28:8, 9.