Pumunta sa nilalaman

SETYEMBRE 11, 2017
UNITED STATES

Update sa Bagyong Irma

Update sa Bagyong Irma

Nakatatanggap na tayo ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng ating mga kapatid sa Caribbean at sa timog-silangan ng United States sa kasagsagan ng Bagyong Irma.

Nakalulungkot, isang may-edad na brother sa Florida at isa sa ating mga sister sa Georgia ang namatay habang lumilikas. Bukod diyan, dalawang brother ang nasugatan sa Tortola, na pinakamalaking isla sa British Virgin Islands. Sa buong Caribbean, mahigit 40 bahay ang nagkaroon ng malaking pinsala at di-kukulanging 40 kapatid ang lumikas. Inaalam pa ang kalagayan ng mga kapatid sa apektadong mga rehiyon.

Nakikiramay tayo sa mga namatayan ng mga mahal sa buhay at sa maraming naapektuhan ng bagyo. Patuloy tayong magtiwala sa tulong na inilalaan ni Jehova sa pamamagitan ng kongregasyon.—1 Tesalonica 3:7.

Media Contact:

David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000