SETYEMBRE 8, 2017
UNITED STATES
Unang mga Report Tungkol sa Bagyong Irma
Ang bagyo na nag-landfall noong Setyembre 5, 2017, ay isa sa pinakamalakas na bagyo sa Atlantiko. Sinalanta nito ang maraming isla sa Caribbean. Walang kapatid ang iniulat na nasaktan o namatay dahil sa bagyo. Isang Kingdom Hall sa La Désirade, Guadeloupe; isang Kingdom Hall sa St. Barts; at isang Assembly Hall sa St. Martin ang napinsala.
Ang isla ng Barbuda ang matinding sinalanta ng bagyo, at tinatayang 50 porsiyento ng mga nakatira sa isla ang nawalan ng bahay. Inutusan ng gobyerno ang mga nakatira sa isla, kabilang na ang 11 kapatid natin, na lumikas sa Antigua dahil paparating pa ang bagyong José, na tatama sa Caribbean sa dulo ng sanlinggo.
Gumawa ng kaayusan ang mga kapatid para matulungan ang mga biktima ng sakuna habang patuloy na rumaragasa ang Bagyong Irma sa Bahamas, Cuba, at sa timog-silangan ng United States. Kasama rito ang patiunang paghahanda ng matitirhan para sa mga kapatid na maaaring lumikas.
Media Contact:
David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000