MARSO 2, 2018
UNITED STATES
Pagbaha sa Gitnang Bahagi ng United States
Noong Pebrero 2018, ang pinagsamang malakas na pag-ulan at pagkatunaw ng niyebe ay nagdulot ng pagbaha sa gitnang bahagi ng United States. Naapektuhan nito ang mga kapatid natin sa ilang bahagi ng Illinois, Indiana, Kentucky, Michigan, Ohio, at Tennessee.
Ayon sa ulat ng sangay sa United States, 20 kapatid sa walong sirkito ang kinailangang lumikas mula sa kanilang tirahan. Nakalulungkot, isang sister sa Indiana ang namatay sa malakas na pag-ulan bago ang baha. Lahat-lahat, 57 bahay ng mga kapatid natin ang nasira.
Ang mga tagapangasiwa ng sirkito sa mga lugar na ito ay nagbibigay ng pampatibay sa lahat ng kapatid na naapektuhan ng sakunang ito. Patuloy nating ipinapanalangin ang mga kapatid nating ito, at nagtitiwala tayo na aalalayan sila ni Jehova sa lahat ng pinagdaraanan nila ngayon.—1 Pedro 5:7.
Media Contact:
David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000