Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 15, 2018
UNITED STATES

Sinalanta ng Wildfire ang California

Sinalanta ng Wildfire ang California

Update: Kinumpirma ng tanggapang pansangay sa United States na isang brother na 70 taóng gulang mula sa Paradise, Northern California, ang namatay dahil sa Camp Fire.

Tatlong malalaking wildfire sa California, United States, ang nagdulot ng malaking pinsala at di-bababa sa 48 ang namatay. Ang pinakamalaki sa tatlong ito, na tinawag na Camp Fire, ay nagpapatuloy sa Northern California, at tumupok na ito ng 47,000 ektarya at sumira ng tinatayang 7,100 istraktura, na karamihan ay mga bahay. Ang Southern California naman ay sinalanta ng dalawang sunog, ang Hill Fire at ang Woolsey Fire, na tumupok ng 38,000 ektarya at sumira ng tinatayang 435 gusali. Ayon sa isang report ng media, ang natupok ng tatlong sunog na ito ay “mas malaki pa sa Belgium at Luxembourg.”

Sinasabi ng unang mga report mula sa tanggapang pansangay sa United States na mga 427 mamamahayag ang lumikas dahil sa Camp Fire mula sa Chico at Paradise. Nakakalungkot, isang matandang sister mula sa Ponderosa Congregation ang namatay sa sunog. Sa ngayon, nakumpirma ring di-bababa sa 94 na bahay ng mga kapatid natin ang nasira ng sunog. Isang Kingdom Hall din sa Paradise ang nasira.

Bilang resulta ng mga sunog sa Hill at Woolsey, mga 420 mamamahayag mula sa mga lunsod ng Oxnard, Simi Valley, at Thousand Oaks ang lumikas. Nakakalungkot, isang brother ang namatay sa Malibu, pati ang nanay niyang di-Saksi, habang tumatakas sila sa sunog. Sinasabi ng unang mga report na 21 bahay ng mga kapatid at isang Kingdom Hall ang nasira.

Nag-atas ang tanggapang pansangay ng dalawang Disaster Relief Committee para tulungan ang mga kapatid natin. Sa pangangasiwa ng mga tagapangasiwa ng sirkito, nagsasagawa ng shepherding ang mga elder na tagaroon at nagbibigay ng praktikal na tulong sa mga naapektuhan ng sunog. Noong Sabado, Nobyembre 10, isang espesyal na programa ang idinaos sa Chico para sa mahigit 270 kapatid. Nagbigay ng nakakapagpatibay na pahayag ang isang miyembro ng Komite ng Sangay sa United States at ang ilang tagapangasiwa ng sirkito.

Nananalangin tayo kay Jehova para tulungan at patibayin ang mga kapatid nating ito na napapaharap sa mahirap na sitwasyon. Alam nating malapit na niyang alisin ang pagluha natin at lamunin ang kamatayan magpakailanman.—Isaias 25:8.