Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 7, 2018
UNITED STATES

Carr Wildfire Malapit sa Redding, California

Carr Wildfire Malapit sa Redding, California

Hindi pa rin maapula ang isang malaking wildfire na lumalagablab malapit sa Redding, California, mula pa noong Hulyo 23, 2018. Walong katao na ang namatay dulot ng nasabing sunog, na ipinangalan sa pinagmulan nito. Mahigit 44,000 ektarya ng lupain at 1,300 gusali ang natupok sa apoy.

Walang naiulat na malubhang pinsala sa mga mamamahayag na nakatira sa apektadong mga lugar. Pero isang kapatid ang bahagyang nasaktan habang nagmamaneho ng bulldozer para tumulong sa mga bombero na maapula ang apoy. Gayundin, 454 na mga kapatid ang nangailangang lumikas at kasalukuyang nanunuluyan sa mga bahay ng kanilang kamag-anak o sa ibang mamamahayag. Nasunog ang mga bahay ng 12 pamilyang Saksi.

Lahat ng mamamahayag ay natiyak nang ligtas. Ang mga tagapangasiwa ng sirkito, kasama ang mga elder doon, ay nagtutulungan sa pagbibigay ng kinakailangang espirituwal at materyal na tulong sa ating mga kapatid sa panahong ito ng kabagabagan.—Kawikaan 17:17.