DISYEMBRE 20, 2016
UNITED STATES
Ibinenta ng mga Saksi ang 85 Jay Street, Isa sa Pinakamalalaking Property sa Brooklyn na Hindi Pa Nade-develop
Noong Martes, Disyembre 20, 2016, ibinenta ng mga Saksi ni Jehova ang 85 Jay Street sa isang investment partnership na pinangungunahan ng Kushner Companies, CIM Group, at LIVWRK. Sakop ng lupang ito ang isang buong bloke ng lunsod sa maunlad na komunidad ng Dumbo sa Brooklyn, at mayroon itong development rights para sa halos isang milyong piye kuwadrado (92,903 sq m).
Noong huling bahagi ng dekada ng 1980 at maagang bahagi ng dekada ng 1990, may ilang nabubulok na gusali sa blokeng ito. Nang bilhin ng mga Saksi ang property, gusto sana nila itong i-develop para sa kanilang lumalaking gawaing pag-iimprenta. Sa halip, nagpasiya ang mga Saksi na ilipat ang kanilang printing, binding, at shipping mula sa Brooklyn tungo sa kanilang pasilidad sa Wallkill, New York. Kamakailan, inilipat ng mga Saksi ang kanilang pandaigdig na punong-tanggapan sa Brooklyn tungo sa Warwick, New York, at nitong nakalipas na mga taon, ibinebenta nila ang kanilang mga real estate holding na nasa komunidad ng Brooklyn Heights at ng Dumbo.
Ganito ang sabi ni Richard Devine, isang tagapagsalita ng mga Saksi: “Bihira lang ang mga property na gaya ng 85 Jay Street, lalo na kung isasaalang-alang ang laki, lokasyon, at posibleng paggagamitan dito.”
Media Contact:
David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000