DISYEMBRE 7, 2015
UNITED STATES
Mga Saksi Sinimulang Ibenta ang mga Property sa Brooklyn
NEW YORK—Ibinebenta ng mga Saksi ni Jehova ang ilan sa pinakamagagandang property sa Dumbo at Brooklyn Heights sa Brooklyn, New York. May tinanggap nang mga alok para sa 85 Jay Street, isa sa pinakamalalaking site sa Brooklyn na hindi pa gaanong nade-develop, at para sa sampung-palapag na residence sa 124 Columbia Heights. Ibinebenta rin ang 25/30 Columbia Heights, na kasalukuyang lokasyon ng kanilang pandaigdig na punong-tanggapan. Ang tatlong property ay iniaalok ng Watchtower Real Estate Office at inaasahang magkakabukod na mabibili.
Sinabi ni Richard Devine, isang tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova, tungkol sa 12,542-metro-kuwadradong (135,000 piye kuwadrado) lupa sa 85 Jay Street: “Sakop ng lupang ito ang isang buong bloke sa maunlad na komunidad ng Dumbo at mayroon itong development rights para sa halos isang milyong piye kuwadrado.”
Ang 14,121-metro-kuwadradong (152,000 piye kuwadrado) residential building ng mga Saksi sa 124 Columbia Heights ay malapit sa pasyalan sa bantog na Brooklyn Heights Historic District. “Napakagandang gusali nito at kitang-kita mula rito ang Brooklyn Bridge, Statue of Liberty, at ang nakakahangang view ng mga gusali sa Lower Manhattan,” ang sabi ni Mr. Devine.
Ang pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova ay nasa 25/30 Columbia Heights (larawan sa pinakaitaas) sa loob ng maraming dekada at pamilyar sa maraming taga-New York ang karatula nitong Watchtower at orasan. Ang property, na may kabuoang mahigit 68,098 metro kuwadrado (733,000 piye kuwadrado), ay sumasaklaw ng halos dalawang bloke at kitang-kita mula rito ang Brooklyn Bridge.
Tungkol sa buong plano ng mga Saksi, sinabi pa ni Mr. Devine: “Ang pagbebentang ito ang susunod na mga hakbang sa paglipat namin sa aming pandaigdig na punong-tanggapan sa Warwick, New York.”
Para sa higit pang detalye tungkol sa mga property, pakisuyong magpunta sa website na www.WatchtowerBrooklynRealEstate.com. Maaaring mag-request ng mga interbyu at larawan mula sa Office of Public Information.
Media Contact:
David A. Semonian, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000