Pumunta sa nilalaman

SETYEMBRE 25, 2014
UNITED STATES

Balita sa Internasyonal na Kombensiyon: Mga Saksi Nagdaos ng mga Kombensiyon sa MetLife Stadium

Balita sa Internasyonal na Kombensiyon: Mga Saksi Nagdaos ng mga Kombensiyon sa MetLife Stadium

NEW YORK—Noong Hunyo 20-22 at Hunyo 27-29, 2014, napuno ng mga Saksi ni Jehova ang MetLife Stadium sa East Rutherford, New Jersey, para sa serye ng “Patuloy na Hanapin Muna ang Kaharian ng Diyos!” na Internasyonal na Kombensiyon. Ang unang kombensiyon ay idinaos sa wikang Ingles at ang ikalawa, sa wikang Kastila.

Ang bilang ng dumalo sa dalawang kombensiyon ay umabot nang mahigit 118,000, kaya ito ang pinakamalaking kombensiyon ng mga Saksi na idinaos sa may New York metropolitan area sa nakalipas na mga dekada. Napanood din ng mahigit 407,000 na nasa ibang lunsod ang ilang bahagi ng programa sa pamamagitan ng video, kaya umabot sa mahigit 525,500 ang kabuuang bilang ng dumalo.

Itinampok sa programa ang mga pagsasadula at video na nagpapakita ng pagiging praktikal ng mga simulain sa Bibliya. Nagtapos ang bawat araw ng dalawang kombensiyon sa lektyur ng isang miyembro ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova. Si David Splane ang nagpahayag noong Hunyo 20-22 at si Geoffrey Jackson naman noong Hunyo 27-29.

Nagsagawa rin ng bautismo sa bawat kombensiyon. May 1,255 nabautismuhan sa MetLife Stadium, at 2,930 naman sa iba pang lokasyong ikinonekta sa pamamagitan ng video, kaya ang kabuuang bilang ay 4,185.

Kasama sa mga dumalo ang mga delegado mula sa Argentina, Australia, Belize, Britain, Chile, Costa Rica, El Salvador, Germany, Greece, Guatemala, Honduras, Italy, Malaysia, Mexico, Nicaragua, Panama, Peru, Spain, at Venezuela.

Sinabi ni J. R. Brown, isang tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova: “Ipinaalaala ng pagtitipong ito sa marami sa amin ang makasaysayang kombensiyon na idinaos sa New York noong 1958. Mahigit 253,000 ang dumalo noon sa Yankee Stadium at sa Polo Grounds. Ang mga kombensiyon sa MetLife Stadium ngayong taon ay tiyak na ituturing na mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova.”

Media Contact:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000