Mahahalagang Pangyayari sa United States
HUNYO 17, 2002—Muling pinagtibay ng U.S. Supreme Court ang mga desisyong ibinaba nito noong 1940’s na nagkakaloob ng proteksiyon ng Konstitusyon sa pampublikong ministeryo ng mga Saksi ni Jehova (Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc. v. Village of Stratton)
AGOSTO 1998—Lumampas sa isang milyon ang mga Saksi ni Jehova sa United States
ABRIL 15, 1992—Sa Pater v. Pater, ipinasiya ng Supreme Court ng Ohio, kaayon ng naunang mga desisyon ng mataas na hukuman, na walang karapatan ang mababang hukuman na alisin ang kustodiya ng magulang sa kaniyang anak dahil sa relihiyon ng magulang
OKTUBRE 30, 1985—Nagdesisyon ang Supreme Court ng Mississippi na ang karapatan ng isang indibidwal na huwag magpasalin ng dugo ay protektado ng karapatan sa privacy at kalayaan sa pagsamba (In re Brown)
AGOSTO 31, 1972—Ipinasiya ng Court of Appeals ng District of Columbia na kung naiintindihan ng isang adulto ang posibleng mga resulta ng pagtanggi niya na magpasalin ng dugo, dapat itong igalang ng estado (In re Osborne)
NOBYEMBRE 30, 1953—Ipinasiya ng U.S. Supreme Court na ang isang Saksi ni Jehova na buong-panahong ministro ay kuwalipikadong mabigyan ng eksemsiyon mula sa paglilingkod sa militar dahil sa sekular niyang trabaho (Dickinson v. United States)
1944—Nabawasan ang pag-uusig sa mga Saksi ni Jehova
HUNYO 14, 1943—Pinawalang-saysay ng U.S. Supreme Court ang desisyon sa kasong Gobitis at sinabing ang sapilitang pagsaludo sa bandila at pagbigkas ng panatang makabayan ay paglabag sa konstitusyonal na karapatan sa kalayaan sa pagsasalita at relihiyon ng mga estudyanteng Saksi (West Virginia State Board of Education v. Barnette)
MAYO 3, 1943—Pinawalang-bisa ng U.S. Supreme Court ang isang ordinansang ginamit sa mga Saksi ni Jehova para hilingan silang kumuha ng lisensiya bago makapamahagi ng relihiyosong mga literatura (Murdock v. Pennsylvania)
HUNYO 3, 1940—Pinagtibay ng U.S. Supreme Court ang batas na nag-uutos sa mga estudyante sa pampublikong paaralan na sumaludo sa bandila (Minersville School District v. Gobitis); sinundan ito ng maraming insidente ng pag-uusig sa mga Saksi
MAYO 20, 1940—Sa unang pagkakataon, nagdesisyon ang U.S. Supreme Court na dapat igalang ng estado at lokal na mga awtoridad ang First Amendment may kinalaman sa kalayaan sa pagsamba. Sinabi rin ng Korte na ang ministeryo ng mga Saksi ni Jehova ay hindi pinagmumulan ng kaguluhan (Cantwell v. Connecticut)
MARSO 28, 1938—Pinawalang-bisa ng U.S. Supreme Court ang isang ordinansang nag-uutos sa mga Saksi ni Jehova na kumuha ng permit para makapamahagi ng mga literatura (Lovell v. City of Griffin)
HULYO 26, 1931—Sinimulang gamitin ng mga Estudyante ng Bibliya ang pangalang mga Saksi ni Jehova
MAYO 14, 1919—Binaligtad ang hatol sa kasong kriminal ng mga pangunahing miyembro ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania; di-nagtagal, iniurong ang mga paratang
HUNYO 20, 1918—Ang mga pangunahing miyembro ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania ay hinatulang nagkasala at ibinilanggo dahil sa paglalathala ng mga babasahin na sinasabing laban sa pakikipagdigma ng bansa
MARSO 4, 1909—Ginawang legal na korporasyon ang Peoples Pulpit Association, na tinawag na Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc. nang bandang huli
ENERO 31, 1909—Inilipat sa Brooklyn, New York ang punong-tanggapan ng mga Estudyante ng Bibliya
DISYEMBRE 15, 1884—Binuo ang isang legal na korporasyon, na tinawag na Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania nang bandang huli
1880’s—Nagkaroon ang mga Estudyante ng Bibliya ng punong-tanggapan sa Allegheny, Pennsylvania
HULYO 1879—Inilathala ang unang isyu ng babasahing kilala ngayon bilang Ang Bantayan
1870—Bumuo si Charles Taze Russell at ang mga kasama niya ng isang grupo ng Bible study sa Allegheny, Pennsylvania, na nakilala bilang mga Estudyante ng Bibliya