DISYEMBRE 2, 2016
UNITED STATES
Mga Saksi ni Jehova Ibinenta ang 69 Adams
Noong Nobyembre 29, 2016, naging pinal ang bentahan ng property ng mga Saksi ni Jehova sa 69 Adams Street, Brooklyn, New York. Ang 7,026-na-metro-kuwadradong (75,629 sq ft) gusaling ito ay nasa komunidad ng Dumbo sa pagitan ng mga tulay ng Brooklyn at ng Manhattan.
Itinayo ng mga Saksi ni Jehova ang apat-na-palapag na gusaling ito noong 1994 at ginamit bilang parking at recreational facility. Mayroon itong 84 na parking space at dalawang elevator para sa mga kotse.
Ganito ang paliwanag ni Richard Devine, isang tagapagsalita ng mga Saksi: “Ang property namin sa 69 Adams ay isang first-class na real estate, hindi lang dahil sa lokasyon nito kundi pati na sa potensiyal nito. Batay sa zoning law dito, puwedeng dagdagan ang kasalukuyang taas nito na 26 na metro (84 ft) nang hanggang 85 metro (280 ft) at palawakin nang hanggang mahigit 14,586 na metro kuwadrado (157,000 sq ft).”
Media Contact:
David A. Semonian, Office of Public Information, 1-845-524-3000