Pumunta sa nilalaman

MAYO 15, 2018
UNITED STATES

Pagputok ng Bulkan sa Hawaii—Nagdulot ng Pinsala at Nagsilikas ang mga Tao

Pagputok ng Bulkan sa Hawaii—Nagdulot ng Pinsala at Nagsilikas ang mga Tao

Mula noong Mayo 3, 2018, dahil sa patuloy na pagputok ng bulkang Kilauea sa Big Island ng Hawaii, U.S.A., humigit-kumulang 2,000 residente ang napilitang lumikas at di-kukulangin sa 36 na gusali ang nasira.

Kabilang sa mga inilikas ang apat na pamilyang Saksi at isang may-edad na sister. Bagaman walang Kingdom Hall ang napinsala ng pag-agos ng lava o ng pira-pirasong ibinuga ng bulkan, isang lindol noong Mayo 4 na may lakas na 6.9 ay nagdulot ng bahagyang pinsala sa isang Kingdom Hall.

Isang Disaster Relief Committee (DRC), kasama ang lokal na mga kapatid, ang nangangalaga sa naapektuhang mga mamamahayag. Kapag okey na ang mga kalagayan, aalamin ng DRC kung anong karagdagang tulong ang kakailanganin.

Dahil sa nangyayaring likas na sakuna, patuloy nating ipanalangin ang ating naapektuhang mga kapatid, na nagtitiwalang si Jehova ang kanilang magiging matibay na moog sa nakapipighating panahong ito.—Nahum 1:7.