Pumunta sa nilalaman

ABRIL 22, 2013
UNITED STATES

Pagsabog sa Boston Marathon

Pagsabog sa Boston Marathon

Noong Abril 15, 2013, dalawang bomba ang sumabog malapit sa finish line ng Boston Marathon. Tatlo katao ang patay at 176 ang sugatan. Batay sa inisyal na mga report, walang Saksi ni Jehova na nasaktan. Ang ilan sa mga Saksi na tagaroon ang unang rumesponde sa mga biktima ng trahedyang ito. “Kasama sa mga panalangin namin ang mga biktima at ang kanilang mga pamilya,” ang sabi ni J. R. Brown, tagapagsalita ng mga Saksi. “Ang pokus namin ay magbahagi ng kaaliwan mula sa Kasulatan sa lahat ng naapektuhan ng gayong walang-puso at marahas na gawang ito.”

Media Contact:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000