Pumunta sa nilalaman

SETYEMBRE 1, 2017
UNITED STATES

Dalawang Residence Building ng mga Saksi ni Jehova sa Brooklyn Naibenta Na

Dalawang Residence Building ng mga Saksi ni Jehova sa Brooklyn Naibenta Na

Noong Agosto 31, 2017, naibenta ng mga Saksi ni Jehova ang pag-aari nila sa 97 Columbia Heights. Ang 8,232-metro-kuwadrado (88,610 sq ft) na gusali ay naging tirahan ng staff ng punong-tanggapan ng mga Saksi sa loob ng mahigit 30 taon. Dito nakatayo ang dating makasaysayang Hotel Margaret, na kilaláng lugar kung saan matatanaw ang East River at ang nagtataasang gusali ng Manhattan. Maganda ang lokasyon nito sa makasaysayang distrito ng Brooklyn Heights at kilalá ito sa rooftop at private outdoor terrace nito. Nauna pa rito, noong Agosto 11, 2017, naibenta rin ng mga Saksi ang isa pa nilang residence building na nasa 119 Columbia Heights.

Ang pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova ay nasa bagong pasilidad ngayon sa Warwick, New York.

Media Contact:

David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000