MAYO 20, 2015
UNITED STATES
Mga Saksi ni Jehova Sinimulan ang “Tularan si Jesus!” na Kombensiyon sa 11 Lunsod sa US
NEW YORK—Noong Biyernes ng umaga, Mayo 22, 2015, sinimulan ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang unang “Tularan si Jesus!” na Kombensiyon sa United States. Sa dulo ng sanlinggong iyon, idinaos ang libreng pampublikong pagtitipon sa 11 lugar, kasama rito ang makasaysayang Stanley Theater sa Jersey City, New Jersey (larawan sa itaas). Inaasahan ng mga Saksi na aabot sa mahigit 41,000 ang dadalo araw-araw mula sa 11 lugar na iyon.
Sinabi ni J. R. Brown, isang tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa kanilang pandaigdig na punong-tanggapan sa Brooklyn, New York: “Lahat ng tatanggap ng aming imbitasyon na dumalo sa kombensiyon sa kanilang lugar ay malugod na tatanggapin, at naniniwala kami na masisiyahan sila sa pagdalo. Ang ‘Tularan si Jesus!’ na Kombensiyon ay magbibigay ng tatlong-araw na magagandang presentasyon tungkol sa mabisang pagtuturo ni Jesus at dinisenyo para tulungan ang lahat ng tao anuman ang edad at kalagayan sa buhay.”
Mula ngayon hanggang Enero 2016, ang mga Saksi ni Jehova ay magdaraos ng mga 5,000 “Tularan si Jesus!” na Kombensiyon sa 92 bansa. Ang programa ay isinaayos ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova. Ihaharap ang buong programa, o ang ilang bahagi nito, sa 347 wika, kasama na ang 55 sign language.
Media Contact:
International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000