Pumunta sa nilalaman

OKTUBRE 13, 2017
UNITED STATES

INITIAL REPORT | Mga Wildfire sa California

INITIAL REPORT | Mga Wildfire sa California

Iniulat ng Komite ng Sangay sa United States ang kalagayan ng ating mga kapatid na naapektuhan ng maraming wildfire sa Northern California, gayundin ang mabilis na pagkalat ng apoy na tumupok sa Southern California.

Northern California: Kinontak ng tanggapang pansangay sa United States ang mga tagapangasiwa ng sirkito sa loob at sa palibot ng mga lalawigan ng Mendocino, Napa, at Sonoma, at iniulat nila na ligtas ang lahat ng ating kapatid, bagaman may isa na nasaktan. Mga 700 kapatid ang kinailangang lumikas, habang mga 2,000 pa ang handang lumikas kung kinakailangan. Lahat ng ating kapatid na nagsilikas ay pinatuloy ng mga kapuwa Saksi na nasa mas ligtas na lugar. Sa ngayon, kumpirmadong isang Kingdom Hall at tatlong bahay ng ating mga kapatid ang natupok. Karagdagan pa, 22 bahay ang may malaking pinsala at 32 ang bahagyang napinsala. Nangunguna ang mga tagapangasiwa ng sirkito sa pagbibigay ng kinakailangang pampatibay-loob at suporta.

Southern California: Sa lugar ng Anaheim, 25 pamilyang Saksi ang inilikas, pero walang nasaktan sa ating mga kapatid. Lahat ng nagsilikas ay pinatuloy sa bahay ng mga kapuwa Saksi. Walang iniulat na mga bahay ng ating mga kapatid o mga Kingdom Hall na napinsala.

Nagtitiwala kami na si Jehova ay magiging isang “matibay na kaitaasan” para sa lahat ng naapektuhan sa panahong ito ng kabagabagan.—Awit 9:9, 10.

Media Contact:

David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000