Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 6, 2017
UNITED STATES

Update sa mga Wildfire sa California

Update sa mga Wildfire sa California

Naapula na ang karamihan ng wildfire sa California, at ang Komite ng Sangay sa United States ay nagpadala ng sumusunod na bagong impormasyon tungkol sa kalagayan ng ating mga kapatid sa rehiyong iyon.

Walang iniulat na namatay, pero walo sa ating mga kapatid ang nasugatan at mahigit sa 1,400 ang nagsilikas. Karagdagan pa, nasa 29 na bahay ng ating mga kapatid ang natupok. Lahat ng kapatid na nagsilikas ay inasikaso ng iba pang Saksi sa kalapit na mga kongregasyon at sirkito, at ang karamihan ay nagsibalik na sa kanilang bahay.

Habang nagngangalit ang apoy, dinalaw ng mga kinatawan mula sa tanggapang pansangay ang mga tagapangasiwa ng sirkito, ang Disaster Relief Committee, at ang lokal na mga relief volunteer. Dinalaw nila at pinatibay ang mga pamilyang nawalan ng tirahan. Bukod diyan, nagsaayos ng espesyal na mga pulong sa dalawang sirkito na lubhang napinsala ng apoy para magbigay ng kaaliwan mula sa Kasulatan at tulungan ang maraming nagsilikas.

Nagtitiwala kami na patuloy na aaliwin at tutulungan ni Jehova ang ating mga kapatid habang napapaharap sila sa nakapipighating mga kalagayang ito.—2 Corinto 1:3, 4.

Media Contact:

David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000