Pumunta sa nilalaman

ABRIL 9, 2015
VANUATU

Mga Saksi ni Jehova Nag-organisa ng Tulong Pagkatapos ng Bagyong Pam

Mga Saksi ni Jehova Nag-organisa ng Tulong Pagkatapos ng Bagyong Pam

NOUMEA, New Caledonia—Pasimula noong gabi ng Marso 13, 2015, sinalanta ng Bagyong Pam, na may hanging Category 5, ang bansang Vanuatu sa Pasipiko. Ayon sa inisyal na report mula sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa New Caledonia, walang Saksi sa Vanuatu ang namatay o nasugatan sa panahon ng mapaminsalang bagyo. Inaalam pa ang laki ng pinsala, pero sa isla ng Efate, kumpirmado nang 31 bahay ng mga Saksi ang nawasak at 58 ang matinding napinsala. Sa isla naman ng Tanna, halos lahat ng bahay ng mga Saksi ay matinding napinsala o nawasak. Tatlong Kingdom Hall din ang nasira dahil sa malalakas na hangin at isa naman ang nabagsakan ng puno.

Isang disaster relief committee na nasa Port Vila, kabisera ng Vanuatu, ang naglaan ng pagkain, tubig na maiinom, at matitirhan para sa mga 100 pamilyang Saksi. Isang tonelada rin ng mga relief supply ang ipinadala sa mga Saksi sa Tanna para sa kanilang agarang pangangailangan. Ang tanggapang pansangay sa Australia ay nakikipagtulungan sa tanggapang pansangay sa New Caledonia hinggil sa mga kaayusan para sa pagtatayo ng mga tirahan, pagkukumpuni ng mga nasirang bahay, at paglalaan ng mga gamit sa pagtulog, damit, at iba pang suplay.

Sinabi ni Jean-Pierre Francine, isang tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa New Caledonia: “Nagpapasalamat kami sa tulong mula sa ibang bansa pati na sa mga ahensiya ng gobyerno na tumulong sa aming mga kapananampalataya. Ngayong naibalik na ang mga flight papuntang Vanuatu, isang kinatawan ng tanggapang pansangay sa New Caledonia at mga naglalakbay na ministro ang dumadalaw sa isla para magbigay, hindi lang ng praktikal na tulong, kundi ng kaaliwan at espirituwal na pampatibay.”

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

New Caledonia: Jean-Pierre Francine, tel. +687 43 75 00