Pumunta sa nilalaman

HULYO 10, 2023
ZAMBIA

Ini-release sa Zambian Sign Language ang Aklat ng Mateo

Ini-release sa Zambian Sign Language ang Aklat ng Mateo

Noong Hulyo 1, 2023, ini-release ni Brother Ian Jefferson, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Zambia, ang aklat ng Bibliya na Mateo sa Zambian Sign Language (ZAS) sa isang espesyal na programa. Naganap ito sa isang Assembly Hall sa Lusaka, Zambia, at dinaluhan ng 922 kapatid. Ito ang unang aklat ng Bibliya na ini-release sa wikang ito. Mada-download na ito sa jw.org at JW Library Sign Language app.

Mga translator sa isang recording studio

Naitatag noong Marso 2008 ang unang ZAS congregation. Noong 2012, nagkaroon ng isang translation team sa tanggapang pansangay sa Lusaka. Ngayon, halos 500 kapatid ang nakaugnay sa 16 na ZAS congregation at 11 group sa buong bansa.

Sa pahayag, binasa ni Brother Jefferson ang Mateo 18:22 para ipakita ang kahalagahan ng pagiging simple at malinaw ng saling ito ng Bibliya. Sinabi niya na ang tekstong ito ay binubuo ng 18 salita sa English. Kung isasalin ito nang literal sa ZAS, mahirap itong maintindihan. Pero dalawang senyas lang sa ZAS ang ginamit para ipakita ang ideya ng tekstong ito. Sinabi niya: “Mas madaling masundan at maintindihan ng mga nanonood ang ganitong maikli at simpleng salin, at makikinabang sila mula sa Salita ng Diyos.”

Ang ini-release na aklat ng Mateo sa ZAS ay isa pang katibayan na inililigtas ni Jehova ang “lahat ng uri ng tao.”​—Tito 2:11.